CEBU CITY – Naglaan ang national government ng P135-milyong budget para sa dalawang pampublikong residential na drug-abuse treatment at rehabilitation centers sa Cebu city.
Ayon kay Cebu 1st District Rep. Eduardo Gullas, ang budget ay parte ng pinasa na P4.5-trillion na national budget para sa susunod na taon.
Ang Cebu Rehabilitation Center ay nasa bayan ng Argao na may alokasyong P83-milyon para sa kanilang operasyon na mas mataas ng 22% kumpara sa P68-milyong budget ngayong taon.
Nanawagan rin si Gullas sa mga pamilya na may mga drug users na mag boluntaryong ipasok ang kanilang pamilya o kakilala sa rehabilitation center.
Pinatatakbo ang dalawan pasilidad ng Department of Health at naglaan din ng P1.3-bilyon para naman sa 20 na idadadag na public residential drug abuse treatments at rehabilitation centers sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Sa batas na ito, inihayag ni Gullas na ang mga mahuhuli na mga small time drug users ay kailangang mag treatment at pumasok sa rehabilitation center kaysa sa makulong.