Naglaan ang Marcos administration ng kabuuang P15.1 billion para sa pagpapatayp ng nasa 4,912 silid aralan sa 1,194 lugar sa buong bansa.
Sa isang statement, inanunsiyo ng Department of Budget and Management (DBM) na inaprubahan na ni Budget Secretary Amenah Pangandaman noong Mayo 15 ang joint request ng DPWH at DepEd na paglalabas ng pondo para sa naturang inisyatibo na layuning matugunan ang backlog sa mga silid-aralan sa bansa.
Sinabi ng DBM na ang naturang pondo y gagamitin para sa konstruksiyon, pagpapalit at pagkumpleo ng mga gusali para sa kindergarten, elementarya, sekondarya at sa techinical vocational laboratories.
Ilalaan din ang naturang pondo para sa installation o replacement ng disability acess facilities , konstruksiyon ng water at sanitation facilities at site improvement.
Saad ni Pangandaman na ang napapanahong paglalabas ng pondo ay nagpapakita ng commitment ng Marcos administration sa pag-inves para sa sektor ng edukasyon.