-- Advertisements --
Nakumpiska ng mga otoridad ang aabot sa P15.7 milyon na halaga ng hinihinalang ecstacy tablets sa Central Post Office sa Quezon City.
Pinangunahan ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Goup (IADTG) Philippine Drug Enforcement Agency at Quezon City District Office.
Idineklara sa parcels na naglalaman umano ng mga damit pambata, handbag at mga sapatos.
Mula aniya sa bansang Amsterdam ang parcel at isang babae ang tatangap na mula sa West Kamias Quezon City.
Mayroong 9,243 na mga piraso ng tableta ng party drugs ang laman ng mga parcels.
Inihahanda na ng mga otoridad ang kaso laban sa mga naarestong suspek na isang lalaki at isang babae.