-- Advertisements --

Nasa $284 million o katumbas ng P15.8 billion ng maaaring i-avail ng mga apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro mula sa International Oil Pollution Compensation (IOPC) Funds.

Ayon kay Department of Justice (DOJ) Undersecretary Raul Vasquez, ang mga maaring mag-claim ng pondo ay ang mga residenteng nawalan ng hanapbuhay dahil sa epekto ng tumagas na langis kabilang na ang mga ahensiya ng gobyerno.

Nilinaw din ng opisyal tanging nasa 203 million Special Drawing Rights (SDRs) lamang ang maximum coverage para sa oil spill base sa International Oil Pollution Compensation Funds taliwas sa naunang napaulat na $1 billion.

Ayon sa kay Vasquez nagmula ang $1 billion claim sa assumption na magkakaroon ng supplementary fund ng 750 million Special Drawing Rights pero nasa 203 million lamang aniya ito.

Magkakaroon naman ng tinatawag na inter-agency determination ang Department of Environment and Natural Resources, Philippine Coast Guard, at Office of Civil Defense upang matuloy kung magkano ang claim na mapupunta sa gobyerno.