-- Advertisements --

gamboa
PNP Chief Gen. Archie Francisco Gamboa

Ipinagmamalaki ni PNP chief Gen. Archie Gamboa ang pagkakasabat ng PNP sa P15.379 billion halaga ng iligal na droga o dalawang tonelada ng shabu sa kanilang isinagawang anti-illegal drug operations sa loob lamang ng 10 buwan, simula October 14, 2019 hanggang August 1, 2020.

Nasa 62,342 drug suspects ang naaresto sa umaabot sa 41,972 anti-illegal drug operations sa buong bansa.

Isa sa itinuturing na big haul ng PNP ay ang operasyon ng PNP Drug Enforcement Group sa Marilao, Bulacan kung saan nasa P5.6 billion halaga ng droga ang nakumpiska ng mga operatiba.

Ayon kay PNP chief Gen. Archie Francisco Gamboa ang Marilao, Bulacan drug operation ay isang “rare feat” dahil minsan lang nakakatiyamba ang mga tropa na makakuha ng ganoong kalaking halaga ng iligal na droga sa kanilang operasyon.

Pero dahil sa kanilang aggresive anti-illegal drug posture naging matagumpay ang PNP sa paghuli sa mga big time drug dealers.

Iniulat din ni Gamboa na nasa 54.93% ang ibinaba ng index crime mula noong March 17 hanggang June 15, 2020.