Lalo pang tumitindi ang lugi ng mga players maging ng liga habang nananatili pa ring naka-shutdown ang mga NBA games dahil sa coronavirus crisis.
Tinatayang katumbas na ng P15 billion na hindi kumikita ang mga NBA supertars kung walang games.
Sinasabing kung hindi pa rin matatapos ng maayos ang NBA season tinatayang aabot na sa $1.2 billion dollars ang mawawala sa mga salary ng mga players.
Kaya naman todo ang paghahanda ngayon ng NBA na ibalik na muli ang mga laro sa susunod na buwan.
Nitong araw inaasahang magpupulong ang mga opisyal ng National Basketball Players Association upang magbotohan kung papayag sila sa return to play order.
Kabilang sa mangunguna at may boses sa magaganap na diskusyon ay ang Brooklyn Nets star na si Kyrie Irving.
Si Irving na isang NBA champion at dating naging All-Star Game MVP ay kabilang sa anim na elected vice presidents ng organisasyon ng mga players.