-- Advertisements --

Nangangailangan ng hanggang P15 billion na pondo ang Department of Labor and Employment (DOLE) bilang tulong sa mga empleyado na nawalan ng trabaho dahil sa coronavirus pandemic.

Sinabi ni DOLE Secretary Silvestre Bello III, na mayroong hanggang 3 million mga informal sector workers ang naapektuhan ng nasabing pandemic.

Maglalaan ng minimum wage ang ahensiy ng hangang anim na buwan para sa kanilang “Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/ Displaced Workers” o TUPAD programs.

Ito kasi ang plano ng ahensiya para mapanatili ng mga employers ang kanilang empleyado at maiwasan ang pagdami ng mga nawawalan ng trabaho.