-- Advertisements --
farmers
Farmer/ DA FB page

Isinusulong ngayon ng mahigit 50 kongresista ang isang joint resolution na naglalayong bigyan ang National Food Authority (NFA) ng P15 billion supplemental budget.

Nakasaad sa Joint Resolution No. 18 na inihain ng Makabayan bloc, dapat gamitin ang naturang halaga sa pagbili ng palay mula sa mga lokal na magsasaka sa halagang P20 kada kilo at ibenta ang NFA rice sa mga mamimili sa halagang P27 kada kilo.

Sa kanilang tantya, sinabi ng mga kongresista na tanging 350,000 metric tons o 7-milyong sako lamang ng palay ang kayang bilhin ng NFA sa presyong P20 kada kilo sa ilalim ng P7-bilyong budget nito para sa buffer stocking ngayong 2019.

Ngayong malapit na ang harvesting season, marapat lamang anila na dagdagan ang pondo ng NFA para magawa pa nitong bilhin ang mga ani ng mga lokal na magsasaka sa mga susunod na buwan.

Ayon kay Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, pangunahing may-akda ng panukala, humigit kumulang P40 billion ang lugi ng mga Pilipinong magsasaka sa unang kalahati ng tao dahil sa pagbulusok ng presyo ng palay batay sa datos ng Federation of Free Farmers.

“Estimates from Bantay Bigas and farmers’ groups point to a dismal crash in palay prices, with some regions such as Central Luzon reporting farmgate price levels at P11 per kilo or even P7 in some areas; Farmgate price of palay is seen to further drop during the coming months,” dagdag pa nito.

Sa ngayon, mahigit 40 kongresista ang lumagda sa manifest of support sa naturang panukala.