-- Advertisements --

LA UNION – “Answered prayer” ang pagkapanalo ni Retired Principal Marita C. Llavore, 69, ng Barangay Macalva Central, Agoo, La Union sa isinagawang station draw ng Buena Mano Salvo Year 15 grand draw ng Bombo Radyo Phils. noong hapon ng Sabado, sa Bombo Radyo La Union.

Si Llavore ang nakakuha sa P15,000 na premyo sa isinagawang station draw.

Ang 2nd prize na P10,000 ay napanalunan ng 83-anyos na si Lolita E. Borja ng Brgy. Bacsayan, San Juan, La Union.

Habang ang P5,000 na 3rd prize ay nakuha ni Helen Halog, 40 ng Barangay Tanqui Lipit, San Fernando City, La Union.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo La Union kay Llavore, sinabi nito na habang gumagawa ng mga entries na Mix 10 coffee, ay sinasabayan naman umano nito ng panalangin na sana’y manalo, bagay na nagkatotoo.

Sinabi ni Llavore na bagamat tapos na ang Buena Mano Salvo Year 15 Promo ngayong taon, patuloy nitong hinihikayat ang mga partisipantes na ipagpatuloy lamang ang pagtangkilik sa mga promo ng Bombo Radyo Phils. para mabigyan din ng pagkakataon na manalo ng mga naglalakihang papremyo.