Arestado ang tatlong drug suspeks sa ikinasang buy-bust operations ng mga tauhan ng PNP- Drug Enforcement Group (PDEG) at Philipine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Barangay Apolonio Samson, Balintawak, Quezon City kaninang alas-7:40 ng umaga.
Nasabat sa tatlong suspeks ang nasa 217 kilos na marijuana leaves na naka bloke na may market value na mahigit Php26 million.
Kinilala ni PNP-DEG Commander, BGen. Ronald Lee ang tatlong naarestong suspeks na sina: Dianne irene Rodriguez Cambalicer, Louie Mark Cuballes Cuerdo at Angelo Buenaventura.
Kasalukuyang nasa PNP-DEG headquarters sa Kampo Crame ang mga naarestong drug personalities.
Kasong paglabag sa Sec 5 and Sec 11 Art 2 ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ang kahaharaping kaso ng mga suspeks.
Ang nasabing joint buy-bust operations ay joint operations ng mga tauhan ng PNP DEG Special Operations Unit 3 sa pangunguna ni PLt. Hazel Mabilin, RID NCRPO sa pamumuno ni PLtcol. Hansel Marantan; Laloma Police Station sa ilalim ng pamumuno ni PLtCol. Florian Reynado, HPG NCR sa pamumuno ni Lt.Col legayda at PDEA NCR.
Samantala, pinuri naman ni NCRPO Chief BGen. Vicente Danao Jr., ang matagumpay na operasyon ng mga pulis kasama ang PDEA.
Binigyang-diin ni Danao na hindi titigil ang Team NCRPO sa kanilang anti-illegal drugs operation hanggat hindi naaaresto ang mga high value target.
Dahil sa pinalakas na intelligence operation dahilan para nahuli ang tatlong drug suspeks.
” Ibat-ibang ahensiya at units ang nagtutulong-tulong upang sugpuin ang paglaganap ng mga lahat ng uri ng droga, kasama na ang marijuana. Dahil sa maayos na koordinasyon at pagpaplano, nakasisiguro akong marami pang bigtime sources, distributors,peddlers o sellers ang ating mahuhuli sa kamay ng batas,” wika ni BGen. Danao.