-- Advertisements --
IMG 183dd815a86f3dbeccf61579939e91ab V

Hawak ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang lalaking gumagamit ng maraming alyas para makapagbenta ng iligal na droga sa Marikina City.

Maliban sa shabu na narekober sa suspek na nagkakahalaga ng P15 million, nakuha rin sa kanya ang iba’t ibang klase ng baril.

Ayon kay NBI Officer-In-Charge Eric B. Distor, ang suspek ay kinilalang si Philip Lim Nocom na gumagamit ng mga alyas na AlexBenson Maragondon Vergara, John Robert Chua Bautista at Joseph Francis Camacho Lee.

Nag-ugat ang operasyon para huliin ang suspek sa natanggap na report ng NBI-International Operation Division (NBI-IOD) mula sa nagmamay-ari ng security firm noong Hunyo 25, 2020.

IMG 12874309c718e6de071f6e18b5732cfb V

Unang nitong iniulat na mayroong dalawang high powered firearms at mga bala maging shabu ang kanyang employees.

Una rito, nagpatulong umano sa security guard ang representative ng nagmamay-ari ng unit para singilin ang tenant na si Alex Vergara.

Matapos umanong katukin ng ilang beses at naghintay ng ilang oras ay puwersahan nang sinira ang pinto ng unit at nakita nilang nakahiga si Vergara sa kanyang kama na nanghihina at halos walang malay.

Nakita raw mismo ng mga security guards sa tabi ng suspek ang M16 rifle at 9mm caliber automatic pistol at ilang loaded magazine.

Natagpuan din sa unit ang ilang transparent plastics na may crystalline substance at ilang identification cards.

Agad namang ipinagbigay alam ng mga security guard ang kanilang nakita sa kanilang superior at agad ini-report ang insidente sa NBI at nagpatulong din ang mga ito sa NBI-Task Force Against Illegal Drugs (NBI-TFAID), na siyang nag-iimbestiga sa mga ganung kaso.

Sa pag-iimbestiga ng NBI operatives kasama ang mga barangay officials sa nasabing lugar, natagpuan nila sa unit ng suspek ang M16 automatic rifle, caliber 9mm automatic pistol, mga bala, ilang loaded M16 at pistol magazines, ilang tactical knives, hand held radios, electronic devices, at government issued identifications kabilang na ang dalawng kilong shabu at .5 grams ng cocaine.

Agad namang sinampahan ang suspek sa Office of the City Prosecutor of Marikina City ng mga kasong paglabag sa Section 28 of R.A. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act), Section 11 ng R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002), at Section 3 ng Commonwealth Act No. 142, na nagre-regulate sa paggamit ng mga alyas.