-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Sinunog ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-ARMM) ang nagkakahalaga na P15 milyon na Marijuana at shabu sa isang pribadong pasilidad sa lalawigan ng Maguindanao.

Sinabi ni PDEA-BARMM Regional Director Juvenal Azurin na ang sinunog nilang droga ay narekober sa iba’t ibang operasyon sa rehiyon mula pa noong 2014 katuwang ang pulisya.

Ang pagsunog ay pambansang direktiba upang sirain ang nasamsam na droga ay naglalayong ipakita sa publiko na hindi na-recycle tulad ng inaangkin ng ilang mga sektor.

“We are hurt when people accuse us enforcers of recycling the confiscated items,“We have never recycled evidences and stuff confiscated, we kept them inside PDEA evidence room under tight security watch.”ani Azurin.

Ang mga droga ay inilagay sa loob ng isang insinerator sa loob ng isang planta ng kuryente sa Barangay Simuay, Sultan Kudarat, Maguindano.

Maliban sa shabu kasama sa mga sinunog na droga ay marijuana at gamot na nasamsam sa iba’t ibang operasyon ng PDEA sa Cotabato City, Maguindanao, Lanao del Sur at Marawi City.

Sinaksihan ng maraming personalidad ang pagsunog ng droga kasama ang mga kagawad ng Media kabilang si Judge Kasan Abdulrakman ng RTC-12.

“We are in full support of the PDEA campaign, “Illegal drugs destroy families and our future generations, who knows they include our families.”paglilinaw ni Judge Abdulrakman.

Tiniyak ni Azurin sa publiko na ang lahat ng mga iligal na item na hindi na kinakailangan bilang katibayan sa korte ay nawasak.

Ang gamot sa mga bote at plastic sachet ay pinisat ng isang road roller.