CENTRAL MINDANAO-Pormal nai-turn-over at pinasinayaan sa bayan ng Pres. Roxas, Cotabato ang mga bagong istrakura at pasilididad na pinondohan ng 15 milyong piso sa ilalim ng Department of Health – Health Facility Enhancement Program (DOH-HFEP).
Ang mga istraktura na kabilang sa isinagawang inauguration at blessing ceremonies ay ang mga sumusunod: 2 Storey Balay Paanakan na nagkakahalaga ng labing isang milyong piso, 2 Storey TB-DOTS/Laboratory na talong milyong piso at 2 rooms Balay Pahulayan sa halagang isang milyong piso.
Nagsilbing panauhing pandangal naman sa nasabing aktibidad si Cotabato Governor Emmylou “Lala” J. TaliƱo-Mendoza, kung saan binati nito ang bayan ng Pres. Roxas bilang benepisyaryo ng DOH-HFEP program, na tumutulong na maiangat ang mga pampublikong hospital at health facilities ng lalawigan para mas mabilis at maayos ang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga pasyente lalo na sa nasabing bayan.
Pinasalamatan din ng gobernadora ng lalawigan ang mga opisyal ng DOH lalung- lalo na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa mga programa at proyektong patuloy na natatanggap ng lalawigan ng Cotabato para sa mga mamamayan nito.
Labis naman ang pasasalamat ni Mayor Jonathan O. Mahimpit dahil sa napakahalagang proyektong pangkalusugan na kanilang natanggap mula sa DOH.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni DOH Assistant Regional Director Sulpicio Henry M. Legaspi, Jr. bilang kinatawan ni DOH Regional Director Aristides Conception Tan, kasama sina PDOHO Rubelita H. Aggalut, IPHO Eva C. Rabaya at ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng bayan sa pangunguna ni Mayor ni Mahimpit at President Roxas Liga President Romeo. Roturas.