Ibinunyag ng administrasyong Marcos na nasa P15 trillion halaga ng public-private partnership (PPP) projects ang nakatakdang aprubahan ng Pangulong Ferdinnd Marcos Jr.
Ayon kay National Economic and Development Authority Secretary Arsenio Balisacan na nasa 3,700 proyekto ang nakatakdang aprubahan ng NEDA Board na kasalukuyang pinamumunuan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Nakatakdang mag-convene ang nasabing board sa Marso 9 para magdesisyon.
Ilalabas din ang buong listahan kabilang ang infrastructure projects na ayon sa Punong Ehekutibo ay nakadepende sa makakapagpalakas pa sa pagalago ng ekonomiya ng ating bansa.
Sinabi pa ng NEDA chief na mayroong 98 public-private partnership projects sa pipeline na nasa humigit kumulang P3 trillion.
Una ng inilantad kamakailan ng Marcos administration ang una nitong PPP project, ang cancer treatment center sa may Philippine General Hospital.