ILOILO CITY – Inaprubahan na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board-6 ang dagdag na P15 para sa cost of living allowance at P15 naman na umento sa sweldo.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Department of Labor and Employment (DOLE) Region 6 Director Cyril Ticao, sinabi nito na hinihintay na lang ngayon ang pag-apruba ng DOLE national office para maibigay na sa mga empleyado ang karagdagang sweldo at cost of living allowance.
Ayon kay Ticao, ang Region 6 ang pinakaunang rehiyon sa buong bansa na nabigyan ng wage increase kung saan umabot na sa P395 ang minimum wage.
Ang mga minimum wage earners sa Western Visayas ay tumatanggap ng P295 hanggang P365 sa isang araw.
Inaasahang magiging epektibo ang dagdag sa sweldo sa darating na Nobyembre.