-- Advertisements --
Patuloy na isusulong ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang kanilang panukalang legislated wage hike na P150.
Sinabi nito na gagamitin niya ang isinagawang survey noong Hunyo 19-23 na pagpapataas ng sahod ay siyang pangalawa sa pangunahing isyu sa bansa na dapat tugunan.
Dahil aniya sa survey ay naniniwala ito na papanigan siya ng kapwa senador para tuluyang maipasa ang kaniyang panukalang batas na magkaroon ng P150 na taas sahod sa lahat ng mga manggagawa sa buong bansa.
Pinag-aaralan na rin aniya nito kung paano maipatupad ang legislated wage hike na ito sakaling ito ay maaprubahan.