-- Advertisements --
Nasabat ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang nasa P160-milyong halaga ng giant clam shells o taklobo sa bayan ng Roxas, Palawan.
Ayon sa PCG, nangyari ang operasyon sa Barangay VI, Johnson Island noong Marso 3.
Ang 324 na nakumpiskang clams ay tumitimbang ng 80 tonelada.
Nagpaalala naman ang ahensya na ipinagbabawal ang pagkuha ng taklobo sa ilalim ng Republic Act No. 10654 o The Philippine Fisheries Code of 1998.
Ang sinumang mapatutunayang lalabag ay pagmumultahin ng hanggang P3-milyon at makulong ng walong taon.
Maliban sa mga endangered na taklobo, natuklasan din ng mga otoridad ang 124 piraso ng pinutol na mga puno ng bakawan sa lugar.