-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nagpatawag ng pulong si Cotabato Governor Nancy Catamco sa Provincial Disasters Risk Reduction Management Council (PDRRMC) upang matalakay ang mahalagang usapin kabilang na ang Local Disaster Risk Reduction and Management Fund Investment Plan para sa taong 2021.

Naipresenta ni PDRRMO Mercy Foronda ang mga panukala na paggastuhan ng P166,169,403.00 o 5% LDRRMF ng Probinsya.

Ipinaliwanag ni Foronda na 70%nito ay para sa Prevention & Mitigation, Preparedness, Response, Rehabilitation and Recovery Fund P116,318,582.10 at ang 30 % ay Quick Response Fund na nagkakahalaga ng P49,850,820.90.

Ang pundo ay hahatiin sa Social Services at Economic Service kung saan napabilang ang stockpiling of Food and Non-Food Items sa halagang P36-M; Procurement of Emergency Response equipment, Vehicles supplies – P22.5M; Capacity Development of Emergency Humanitarian Service Providers and DRRM Stakeholders – 4M

Palay, Corn, Vegetables seeds and other farm inputs assistance to victim of disaster/calamities 11.2M at Construction at retrofitting ng mga pasilidad sa halagang P26M at iba pang mga programa.

Matapos ang deliberasyon, naaprobahan ang panukala.

Naipresenta din ng Provincial Veterinarian (OPVET) Chief Dr. Rufino Sorrupia ang record ng pinsala ng African Swine fever (ASF) at ang kanilang patuloy na pagkilos upang matulungan ang mga hog raisers sa probinsya.

Dumalo sa pulong si Director Ali Abdullah ng DILG, BGen Roberto Capulong AFP (CO,602nd BDE), Lt. Col. Goeffrey Carandang (39th IB, CO), Dr. Eva Rabaya ng IPHO, Director Michael Mayo ng DOST, Director Marjorie Latoja ng DOLe, Sustines Balanag ng OPAG, PPDO Cynthia Ortglega at mga kinatawan ng ahensya ng PACCO, DPWH, DTI, PENRO, DEPED ,PEO, RED CROSS, PTO mga BUSINESS SECTOR at kinatawan ng Sangguniang Panlalawigan.

Tiniyak ng Gobernador na lahat ng sektor na apektado ng kalamidad ay makita at makatanggap ng suporta mula sa Probinsya sa panahon na ito ay kakaharapin.

Nitong linggo ay namahagi ng cash assistance na tig 10,000 pesos bawat pamilya ang Gobernador para sa mga naging biktima na lindol noong nakalipas na taon.