Naglaan ng pondo ang gobyerno para sa repair at rehabilitation ng mga sirang housing projects para sana sa mga biktima ng Bagyong Yolanda.
Ayon kay Secretary Jerry Acuzar ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) matatapos ngayong taon ang gagawing repair at rehabilitasyon sa mga nasabing istruktura.
Ito ay batay sa naging direktiba ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.
Sinabi ni Acuzar na nasa P167 million ang pondo na ibinigay para sa local government unit ng Tacloban.
Ang pondo ay gagamitin sa pagsasa ayos ng mga housing units na nasira.
Ibinida naman ni Acuzar na sa 118 na Yolanda Housing Projects 88 dito ay nakumpleto na sa region 8 na binubuo ng nasa 58,000 housing units habang 45,000 dito ay occupied na.
Inihayag din ni Acuzar na sa ngayon nagpapatuloy pa rin ang pag proseso at pag award sa mga housing units sa mga beneficiaries.
Nasa Leyte ngayon si Pang. Ferdinand Marcos Jr., para pangunahan ang turnover ng walong nakumpletong Yolanda Housing projects sa Leyte, Samar at Biliran.
Nasa 3,517 housing units ang ipagkaloob sa mga beneficiaries.