-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Malawak na taniman ng marijuana ang panibagong sinira bilang bahagi ng marijuana eradication na isinagawa ng Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Brgy. Loccong, Tinglayan, Kalinga.
Sa pamamagitan ng Oplan: “Linis Barangay” ay matagumpay na binunot at sinira ng mga otoridad ang P17.14 million na halaga ng marijuana.
Ayon sa PDEA Cordillera, nabunot at sinunog ang 22,700 piraso ng fully grown marijuana plants mula sa limang plantation sites sa Tinglayan.
Maliban diyan ay natuklasan din ng mga otoridad ang 105,000 gramo ng napatuyong dahon ng marijuana na agad namang sinira at sinunog.
Gayunman, bigo ang mga otoridad na makahuli ng mga marijuana cultivator.