-- Advertisements --

KORONADAL CITY- Pirmado na ng alkalde ang rekomendasyon na pormal nang isailaim sa state of calamity ang bayan ng Lake Sebu, South Cotabato dahil sa nangyaring malawakang fish kill o kamahong.

Ito ang kinumpirma ni Lake Sebu Mayor Floro Gandam sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Ayon kay Mayor Gandam, kailangan na talagang isailalim sa state of calamity ang kanilang bayan dahil sa lumalalang sitwayon ng lawa kung saan nasa mahigit P17M na ang naitalang pinsala o mahigit 200 na toneladang isda mula sa ekta-ektaryang palaisdaan na tinamaan ng fish kill.

Sa katunayan nasa halos 2 libong fish cage operators na rin ang naapektuhan na mabibigyan ng tulong mula sa calamity fund.

Dagdag pa ng alkalde, pinag-uusapan na sa ngayon ang pagpapatupad ng moratorium o pagbabawal na maglagay ng fish cages sa lake mula anim na buwan hanggang isang taon at pagbabawas naman ng mga somubra na dahil 10% na lamang ang papayagan nila.

Ito ay dahil kahit na may existing na local ordinance ang munisipyo ay hindi naman umano ito nasusunod.

Aminado naman ang opisyal na lubhang congested at contaminated na ang lake dahil sa dami ng fish cages at nais nilang maisalba ito.

Ngunit dapat din umanong isaalang-alang ang sitwasyon sa pagpapatupad ng moratorium dahol halos 70 porsiyento ng kabuhayan ng mga residente sa lugar ay sa palaisdaan.

Napag-alaman na dahil sa dikit-dikit na mga fish nets at masamang lagay ng panahon, bumaba ang dissolve oxygen sa lawa na naging dahilan ng pagkamatay ng mga isda. Isa din sa maaaring alisin ng local government unit ay ang mga dayuhag mamumuhunan ng fish cages sa nabanggit na bayan.