Siniguro ng National Food Authority sa publiko na mananatiling matatag ang presyo ng kada kilo ng palay sa bansa sa P17 hanggang P30 kada kilo.
Ayon sa ahensya, layon ng hakbang na ito na matulungan na lumaki ang kita ng mga magsasaka kahit na sa panahon ng kanilang ani.
Ayon kay NFA Administrator Larry Lacson, nakipagpulong na sila sa mga magsasaka mula sa Mindanao.
Sa naging meeting ay tinalakay ang pagpapanatili sa buying price ng malinis at tuyong palay maliban na lamang kung ito ay babaguhin ng NFA Council.
Iniulat rin ng mga magsasaka ang kanilang magandang ani at mataas na produksyon ng palay habang tumaas rin ang kanilang income.
Ito ay dahil na rin sa patuloy na tulong ng gobyerno katulad ng pagbibigay ng makinarya at binhi dahilan para mabawasan na ang kanilang gastos.
Kinumpirma naman ng NFA na pumalo sa 3.5 milyong toneladang ng palay ang nabili ng ahensya sa unang kalahati ng taon.
Tiniyak naman ng NFA ang kanilang patuloy na pakikipatulungan sa mga magsasaka at iba lang stakeholder sa industriya.
Sa pamamagitan nito ay makakasiguro na mabibigyang solusyon ang mga hamon at mapaganda ang agricultural sector maging ang kabuhayan sa buong Pilipinas.