Recipient sa P178 million halaga ng mga counter terrorism equipment ang Philippine Marines na donasyon ng US military.
Sa pahayag na inilabas ng US Embassy, nasa 525 sets ng ballistic vests, lightweight ballistic plates, tactical ballistic helmets, at accessories ang ibinigay ng US military sa Philippine Marine Special Operations Group (MARSOG) at Inshore Boat Battalion.
Ang nasabing donasyon ng US sa Philippine Marines ay sa pamamagitan ng Counter Terrorism Train and Equip Program.
Naniniwala naman ang US embassy to the Philippines na makakatulong ang mga equipment na ito sa pagpapalakas pa ng kakayanan ng mga sundalong Marines sa kanilang counter terrorism operations.
Makakatulong din ito sa paglaban sa anumang mga banta at transnational crimes.
Tiniyak naman ng US na magpapatuloy ang kanilang suportasa Armed Forces of the Philippines (AFP) lalo na sa modernization program nito.