-- Advertisements --

Aabot sa humigit-kumulang P17 milyong halaga ng high grade marijuana mula sa Bangkok, Thailand ang matagumpay na nasamsam ng mga otoridad matapos ang isinagawang operasyon sa Clark Freeport Zone sa Pampanga

Ito ang kinumpirma ng Philippine National Police ngayong araw.

Ayon kay Philippine National Police-Aviation Security Group Director Police Brig. Gen. Christopher Abrahano , nadiskubre ang marijuana sa loob ng isang wooden crate na idineklara bilang sofa sets.

Matapos ang isinagawang pagsusuri, nabuking ang tunay na nilalaman ng umanoy sofa.

Nagmula ito sa Bangkok Thailand at ang consignee ay isang Pilipino.

Sinabi ng opisyal na ang wooden crate ay na-tag mula Agosto 15 at agad na naka-iskedyul para sa inspeksyon.

Sa pag-inspeksyon, natuklasan ng mga awtoridad ang 23 transparent plastic bag na naglalaman ng humigit-kumulang 10.406 kilo ng high-grade marijuana kush.

Sinabi ni Abrahano na nagsasagawa na ngayon ng follow-up operations para arestuhin ang consignee.