-- Advertisements --

DAGUPAN CITY – Pansamantalang naantala ang rehabilitasyon ng Urdaneta – Dagupan road dahil sa nararanasang pag-ulan.

Mula sa aspaltong daan ginawa itong kongkreto upang maging mas matibay ang kalsada.

Nagsimula ang konstruksyon ng kalsada noong Marso 20, 2018 at target na matapos sa September 15, 2019.

Nasa mahigit P18 million ang pondo ng nasabing proyekto.

Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) 80 percent na ang natatapos sa proyekto.

Sinasabing sa oras na gumanda ang panahon ay agad na itutuloy ang proyekto.