CEBU CITY – Inaprubahan ng Regional Tripartite Wage and Productivity Board (RTWPB-7) ang P18 na minimum wage hike sa mga manggagawa sa Central Visayas.
Ayon kay Joe Tomongha, ang labor sector representative ng RTWPB-7 na ipapatupad ang naturang umento sa arawang sahod simula sa susunod na taon at applicable ito sa mga minimum wage earners.
Dagdag pa nito na pinag-aralan nila ang pagtaas ng minimum wage base sa mga pangangailangan ng mga manggagawa mula sa tinatanggap nilang sweldo araw-araw.
Bukod sa sunud-sunod nilang mga diskusyon, nagsagawa na rin sila ng public consultation mula sa iba’t ibang mga manggagawa sa Cebu, Bohol, Negros Oriental at Siquijor bago nila inaprubahan ang wage hike.
Sinabi rin ni Tomongha na mahigpit na binabantayan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer kung ipinatupad ba ang sinang-ayunan nilang umento ng arawang sahod.
Paalala naman ng RTWPB-7 sa mga trabahante na maaaring i-report sa opisina ng DOLE kung hindi sumunod ang mga employer sa P18 na minimum wage hike sa rehiyon.