-- Advertisements --

DWSD

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nakahanda na ang P182-milyong halaga ng family food packs para duon sa mga kababayan natin na maaapektuhan sa hagupit ng Bagyong Bising.

Ayon kay DSWD Director Clifford Rivera, bukod sa mga family food packs na nakahanda para ipamahagi, mayruon din nakahanda ang ahensiya ng P556-M standby funds.

Inulat ng DSWD sa naganap na PDRA meeting sa NDRRMC ang kahandaan nito kasama ang bilang ng relief supplies na nakahandang gamiting pantulong sa mga komunidad na maaaring maapektuhan ng bagyong “Bising”.

Pinangunahan ni ASec Casiano Monilla ng Office of the Civil Defense (OCD) ang pagpupulong ng NDRRMC.

Ayon sa NDRRMC, patuloy din ang isinasagawang monitoring sa health situation sa mga lugar na posibleng maapektuhan ng Bagyong Bising, kasama na dito ang pagpapadala ng karagdagang supplies ng PPE at mga gamot na ipamamahagi sa mga LGU.

Nakataas na rin sa Blue alert status ang Bicol regional DRRMC simula pa noong April 15, maging sa Eastern Visayas.

Inatasan na rin ang mga LGUs na magpatupad ng pre-emptive evacuation sa ilang lugar sa Camarines Sur,Catanduanes, Sorsogon, Northern at Eastern Samar.

Patuloy naman ang panawagan sa publiko na imonitor ang weather condition at magpatupad ng precautionary measures, at sumunod sa mga adivisories ng mga otoridad at striktong sumunod sa minimum health and safety protocol.