LEGAZPI CITY – Umaabot na sa P19.8M na halaga ng tulong ang naipapamigay ng Department of Social Welfare and Development para sa mga residenteng apektado ng El Niño sa Bicol.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Claudio Villareal Jr. ang Officer-in-Charge ng Disaster Response Management Division ng DSWD Bicol, mula ang halaga sa mga family food packs na naibigay ng ahensya sa mga residenteng apektado ang kabuhayan ng tagtuyot lalo na ang mga magsasaka at mangingisda.
Sa nakalipas na apat na buwan nasa 731 na mga barangay na ang pinuntahan ng ahensya upang mabigyan ng family food packs na laman ang mga kailangang suplay kagaya ng bigas, mga de lata, instant noodles, tubig at iba pa.
Nasa 68,000 na mga residente ang nakinabang sa ayuda na mula sa mga apektado sa barangay.
Subalit inaasahan na madadagdagan pa ang mga naapektohan ng tagtuyot lalo pa at magtatagal pa ang El Niño hanggang sa pagtatapos ng buwan ng Mayo o posibleng hangang sa unang linggo ng Hunyo.