Nangangamba si Senate Minority Leader Franklin Drilon na mapulitika ang paggamit ng P19 billion overseas Filipino workers’ (OFW) trust fund, kapag naisabatas ang pagbuo ng Department of OFW.
Reaksyon ito ni Drilon, sa harap na rin ng mga lumulutang na dating kritiko ng pagbuo ng bagong ahensya, ngunit ngayon ay nais na itong isulong.
Hangad ng senador na magkaroon ng mahigpit na panuntunan ukol sa paggamit ng malaking pondo, lalo’t nagmula ito sa pinaghirapang salapi ng mga manggagawang nangibang bayan.
“Does the plan to create a separate Department of Overseas Filipino Workers have anything to do with the disposition of the P19 billion trust fund?” tanong ng opisyal.
Maging ang Department of Labor and Employment (DOLE) umano na dating kontra ay naging tagasuporta na ng nasabing panukala.
Pero giit ng DOLE, nais lamang nilang suportahan ang mga programa na itinutulak ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa mga OFW.