-- Advertisements --
image 197

Hindi pa rin nasisimulan ang pamamahagi ng inflation ayuda para sa bawat mahihirap na pamilya.

Ayon kay Department of Social Welfare and Development ASec. Rommel Lopez na prinoproseso pa lamang ng Department of Finance (DOF) ang paglalabas ng P9.7 billion pondo para sa nasabing financial assistance para sa 9.3 million sambahayan sa gitna ng patuloy na pagsipa ng inflation sa bansa.

Una ng sinabi ni Finance Secertary Benjamin Diokno noong nakalipas na buwan na maglalabas ang pamahalaan ng tig-P1000 cash aid para sa mga apektado ng inflation sa ilalim ng extended Targeted Cash Transfer na inilunsad ng nagdaang administrasyon.

Maliban sa pinansiyal na tulong, nanako din ang gobyerno na magbibigay ng subsidiya gaya ng fertilizer discount voucher at fuel disocunt para sa mga magsasaka at mangingisda at fuel subsidy para sa sektor ng transportasyon na apektado ng mataas na presyo ng mga produktong petrolyo.

Matatandaan, base sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) pumalo sa 7.6% ang inflation noong Marso mas mabagala kung ikukumpara sa 8.6% noong Pebrero ng kasalukuyang taon.

Umakyat naman ng 9.3% ang presyo ng pagkain at non-alcoholic beverages sa nasabing buwan ng kasalukuyang taon.