-- Advertisements --

Inaprubahan na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board-National Capital Region (RTWPB-NCR) ang P1,000 taas sa buwanang sahod ng mga kasambahay ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Ayon kay DOLE spokesperson Rolly Francia, magiging P6,000 na ang buwanang sahod ng mga kasambahay sa National Capital Region.

Nasa 200,000 kasambahay ang inaasahang mabebenipisyuhan sa wage hike sa rehiyon kung saan nasa 60% dito ay mga live-in kasambahays.

Umaasa naman ang DOLE official na maaprubahan ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) ang naturang bagong wage board order.

Samantala, tanging ang Calabarzon at Soccssargen na lamang ang hindi pa naaprubahan ang wage increase para sa mga kasambahay subalit inaasahang makakapagsumite ng rekomendasyon ang mga regional wage boards ng resulta ng kanilang deliberasyon bago matapos ang buwan ng Hunyo.