-- Advertisements --
VIGAN CITY – Mahigit 2.1 million pesos ang halaga ng fully grown marijuana ang sinira ng mga otoridad na nakuha sa apat na cultivation site sa boundary ng Brgy. Caoayan, Sugpon, Ilocos Sur at Brgy. Tacadang, Kibungan, Benguet.
Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay PLt. Christopher Bueno ng Sugpon Municipal Police Station, tinatayang nasa 1,550 sqm ang lawak ng taninam ng marijuana na mayroong 10,850 fully grown marijuana plants na nagkakahalaga ng 2,170,000.
Nahirapan umano ang mga otoridad sa pagpunta sa nasabing lugar dahil madulas ang daanan at sinabayan pa ng pag-ulan noong isinagawa nila ang operasyon.
Gayunman,walang nahuling cultivator dahil posibleng natunogan sila ng mga suspek.