-- Advertisements --
marikina rizal floods Ulysses

Sumampa na sa P2.14 billion ang naitalang pinsala sa agrikultura ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) sa Region 1,2,3, Calabarzon, Region 5 at Cordillera region.

Nasa P482.85 million naman ang pinsala sa inprastraktura sa Region 1, MimaropaA at Region 5.

Sa ngayon, sumampa na sa 2,074,301 katao ang apektado sa Regions 1, 2, 3, Calabarzon, Mimaropa, Region 5 at Cordillera.

Habang nasa 69 naman ang nasawi kung saan 22 dito sa Region 2, dalawa sa Region 3, sa Calabarzon 17, walo sa Region 5, 10 sa Cordillera region at walo sa NCR.

Pinangunahan naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang council meeting kaninang umaga para talakayin ang pagbuo ng task force.

Nilinaw naman ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) na tuloy pa rin ang ahensiya sa kanilang mandato kahit ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumuo ng task force para pabilisin ang pagtugon ng pamahalaan sa mga apektadong lugar na hinagupit ng bagyong Ulysses.

Ayon kay NDRRMC spokesman Dir. Mark Timbal, suportado nila ang kautusan na ito ng Pangulo.

Giit ni Timbal, hindi ito ang panahon upang magkaroon ng kumpetinsya sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Patunay din ito ang puspusang pagsisikap ng gobyerno na maibalik sa normal sa lalong madaling panahon ang buhay ng mga naapektuhan ng sakuna.