-- Advertisements --

Magtataas ng singil sa kuryente ang Meralco ng P2.15 per kilowatt-hour (kWh) ngayong buwan ng Hulyo.

Ibig sabihin, ang bill sa kuryente ay tataas ng P430 para sa mga komokunsumo ng 200 kwh, P645 para sa 300 kwh, P860 para sa 400 kwh at P1,075 para sa 500kwh

Ito ay bunsod ng mas mataas na generation charges kasabay ng pagbalik sa normal na gastos sa kuryente matapos ang pansamantalang pagbaba noong nakalipas na buwan.

Ayon sa power distributor, tumaas ang generation charges ngayong Hulyo ng P2.0021 per kWh kasabay ng pagbalik sa normal levels ng Wholesale Electricity Spot Market (WESM) charges.