-- Advertisements --

VIGAN CITY – Aabot sa mahigit dalawang milyong pisong halaga ng marijuana ang sinira at sinunog ng mga otoridad sa boundary ng Ilocos Sur at Benguet.

Sa report na nakalap ng Bombo Radyo Vigan mula sa Sugpon Municipal Police Station, isinagawa ng kapulisan ang operasyon laban sa mga cultivator sa Sitio Nagawa, Brgy. Caoayan, Sugpon at Sitio Nagawa at Sitio Ogiyet, Brgy. Tacadang, Kibungan, Benguet kung saan tumambad sa mga operating unit ang mga fully grown mariuana.

Sampung libo isang daan limampung piraso ng marijuana ang binunot at sinira ng kapulisan na nagkakahala ng 2.2 milyon pisos.

Nagtagal ng dalawang araw ang operasyon ng PNP ngunit walang nahuling cultivator sa lugar.