-- Advertisements --
image 265

Mabilis na inaprubahan ng senate committee on finance ang 2.3 billion pesos na panukalang budget ng office of the vice president para sa taong 2023.

Humarap sa budget hearing si vice president Sara duterte na mainit na tinanggap ng mga senador sa pangunguna ni senate president Juan MIguel Zubiri.

Sa bungad pa lamang ng budget hearing, agad nang hiniling ni Zubiri sa mga kapwa senador na aprubahan na ang budget ng office of the vice preisdent o ovp bilang courtesy, na aniyay katulad ng courtesy na Ibinigay ng senado sa mga dating vice president ayon kay senator sonny angara na chairman ng senate committee on finance, tradition nang mabilis na inaaprubahan ang budget ng ovp bilang respeto sa tanggapan, at hindi lang dahil ang nakaupo ay si vice president sara na aniya ay masipag at brillant at maraming programa.

Hindi inusisa ng mga administration senators ang panukalang ovp budget at tanging si senate minority leader koko pimentel lamang ang nagtanong.

Tugon sa pag uusisa ni pimentel, inulit ni vice president duterte dito sa senado ang sinabi nya sa kamara na mula nung 2003 hanggang 2012, nagkaroon ng magkakaibang halaga ng confidential at intelligence fund ang ovp at ipinauubaya nya sa mga senador ang desisyon sa inilalaan nila rito ngayon na 500 million pesos.

Isa naman aniya sa kanilang proyekto ang pagtukoy ng permanenteng tahanan para sa vice president, na nilalaanan nila ng inisyal na 10-million pesos. Kausap nila rito ang gsis at isa na sa minamataan ang coconut palace.

Tugon naman sa pagtatanong ni pimentel, sinabi ng budget officer ng ovp na ang 713 million pesos na original na budget request ng ovp ay panahon ni dating vice president leni robredo at sa pakikipag ugnayan sa department of budget and management, napadagdagan nila ito para sa kanilang mga planong financial, livelihood at medical assistance, libreng sakay program at pagbibigay ng pagkain sa panayon ng kalamidad, emergency at para sa mga individuals in crisis.