-- Advertisements --
makilala quake north cotabato
6.5 quake aftermath in Makilala, North Cotabato (photo from Bombo Garry Fuerzas)

KORONADAL CITY- Umabot na sa mahigit isang libong empleyado ang nawalan ng trabaho dahil sa mga naitalang sunod-sunod na lindol sa North Cotabato.

Ayon kay Department of Labor and Employment o DOLE Regional Director Sisinio Cano, nasa 1,012 na mga manggagawa ang nawalan ng trabaho sa Kidapawan City matapos na huminto ang operasyon ng mga establishemento habang ang iba naman ay tuluyan ng nagsara dahil hindi na mapakikinabangan dahil sa malakas na pagyanig.

Posible pa anyang madagdagan ito dahil hindi pa nila nakukuha ang ibang detalye sa iba pang mga bayan na naapektuhan din ng lindol.

Karamihan sa mga nawalan ng trabaho ay ang mga empleyado ng malalaking malls sa lungsod.

Kauganay nito, naglaan na rin ang DOLE 12 ng P2.3 milyung pondo para pansweldo sa mga maha-hire na trabahante ng DOLE-North Cotabato na una nang nawalan ng trabaho.

Maliban dito, may P950,000 din na pondo na inilaan ang ahensya para sa mga apektado ng lindol sa labin-isang bayan sa buong probinsya.

Samantala, may programa din ang SSS na unemployment insurance para sa mga nawalan ng trabaho kung saan maaring makakuha ng ayuda na hanggang dalawang buwan na sweldo.