-- Advertisements --

Sasampahan na ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang apat na naaresto sa buy bust operation sa Dasmariñas City, Cavite.

Kinilala ang mga nadakip na sina Albert Abogadie, Don Ragracias, Mary Rose Dela Peñas at Raymond Austria.

Batay sa ulat, nakuhanan ang apat ng tinatayang P2.4-milyong halaga ng pinaghihinalaang blocks na marijuana sa ikinasang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Dasmariñas City PNP.

Bukod sa 120-kilo ng sinasabing marijuana, nakuha rin mula sa mga suspek ang isang Nissan Urvan at P200 marked money.