Inanunsyo ng Department of Agriculture ang na sinimulan na ng kanilang ahensya ang aabot sa P2.43 bilyong irrigation project sa Doña Remedios Trinidad sa probinsya ng Bulacan.
Personal na nagtungo si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr sa naturang lugar para pangunahan ang ground breaking ceremony ng Small Reservoir Irrigation Project sa Barangay Bayabas sa bayan ng Doña Remedios Trinidad.
Kasabay ng pagbubukas ng naturang proyekto sa Bulacan, pormal na rin binuksan ng DA ang P1.28 bilyong Balbalungao Small Reservoir Irrigation Project sa Lupao, Nueva Ecija.
Itunurover na rin ng ahensya sa Subic ang unang batch ng mga heavy equipment na binili ng National Irrigation Administration.
Ang Balbalungao Small Reservoir Irrigation Project ay mayroong sakop na 976.2 ektarya ng lupain.
Inaasahan naman itong pakikinabangan ng aabot sa 560 na mga magsasaka.
Ang turnover naman sa Subic ng mga heavy equipment ay bahagi ng tatlong taong re-fleeting program ng National Irrigation Administration.
Samantala, ang Small Reservoir Irrigation Project sa Bayabas ng National Irrigation Administration ay mayroong sakop na 150 ektarya ng mga bagong lugar at 27,828 ektarya sa 17 bayan sa Bulacan at Pampanga.