-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Abot sa P2,439,360 ang natanggap ng mga benepisyaryo mula sa bayan ng Arakan Cotabato sa isinagawang Cash for Work Payout ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office XII sa pakikipagtulungan sa pamahalaang panlalawigan sa ilalim ng liderato ni Governor Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza.

Tumanggap ng mahigit sa tig P3,000 ang 726 indibidwal mula sa mga barangay ng Anapolon, Kabalantian, Poblacion, Salasang, Makalangot, Datu Mantangkil, Tumanding, Napalico, San Miguel, Ma. Caridad, Datu Ladayon at Katipunan, Arakan bilang kapalit sa sampung araw nilang pagtatrabaho.

Ang Cash for Work ay programa ng DSWD na naglalayong matulungan ang mga benepisyaryo sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng temporaryong trabaho upang matugunan ang pangangailangan ng kanilang pamilya.

Ang distribusyon ay pinangunahan ng DSWD XII sa pakikipag-ugnayan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at pamahalaang lokal ng Arakan.