
Gagamitin ng Administrasyong Marcos ang nasa mahigit isang daang idle assets nito bilang pandagdag kita ng pamahalaan para pondohan ang mga proyekto nito.
Ayon kay Department of Finance Secretary Benjamin Diokno, target ng privatization council na isapribado ang nasa 137 property ng pamahalaan na may kabuuang halaga na PHP2.5 billion.
Aniya, sa loob ng unang anim na buwan ng Administrasyong Marcos ay aprubado na ng privatization council ang pinal na pagbebenta ng nasa PHP800 million mula sa inaprubahang PHP1.9 billion ang halaga ng mga asset para sa naturang disposisyon.
Habang noong Mayo 31 inaprubahan ng Privatitzation Council ang pagbebenta ng anim na ari-arian na may kabuuang halaga na PHP152.8 million.
Ang lahat ng ito ay alinsunod sa iminungkahing privatization plan na inihanda ng Privatization and Management Office, at nagbibigay ng final approval para sa mga proposed price and buyer para sa nasabing asset.
Ang Privatization Council ay ang policy making body na inatasan na pangasiwaan ang Privatization Program ng gobyerno na binubuo ng mga gabinete ng pangulo sa pangunguna ni Finance Secretary Diokno, kasama ang mga kalihim ng Department of Budget and Management, Trade and Industry, National Economic and Development Authority and Justice, habang ang National Treasurer at ang chairman ng Philippine Commission on Good Government sa PRC ay hindi bumoto.