-- Advertisements --

pagcor1

Nasa P2.5 million donasyon ang ipinagkaloob ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) sa PNP para pambili ng mga medical supplies.

Mismong si PNP chief Gen. Debold Sinas ang tumanggap ng donasyon mula kay Pagcor Chairman at Chief Executive Officer, Andrea Domingo sa isang simpleng seremonya na ginanap sa Camp Crame ngayong araw.

Isang memorandum of agreement din ang nilagdaan na magpapalakas ng kooperasyon ng Pagcor at PNP.

Nagpasalamat si Gen. Sinas sa patuloy na suporta ng Pagcor sa mga pulis, partikular ngayong panahon ng pandemya.

Ayon kay Gen. Sinas ang donasyon ng Pagcor ay malaking tulong para mapangalagaan ang kalusugan ng mga police frontliners.