-- Advertisements --
VIGAN CITY – Tinutugis na ng mga otoridad sa Benguet ang sinasabing may-ari ng marijuana plantation na nakubkob sa boundary ng lalawigan at Ilocos Sur.
Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Maj. Roldan Razonable, hepe ng Sugpon Municipal PNP na aabot sa P2.5-milyon ang halaga ng mga marijuana na kanilang nasabat sa bahagi ng Brgy. Tacadang, Kibungan, Benguet at Brgy. Caoayan, bayan ng Sugpon, Ilocos Sur.
Ayon sa opisyal, liblib ang lugar kung saan nakatago ang plantasyon.
Kabilang sa kanilang nasabat ang halos 7,000 fully grown marijuana at 10-kilo ng pinatuyong dahon nito.
Target ngayon ng operasyon ang isang Elio Awas na sinasabing may-ari ng naturang plantasyon.