NAGA CITY- Nakumpiska ng mga awtoridad ang nasa P2.7-M na halaga ng iligal na droga sa isinagawang buy bust operation sa Zone 5, Brgy. San Esteban, Nabua, Camarines Sur.
Kinilala ang suspek na si alyas Allan, 33-anyos, residente ng Brgy. Sta. Cruz, sa nasabing bayan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga ki PCpl. Jonard Bufete, Public information officer ng Nabua Municipal Police Station, sinabi nito na nakipag transaksyon ang posuer buyer sa suspek at nakabili ito ng isang sachet ng pinaniniwalaang iligal na droga sa halagang P140-K.
Maliban sa buy bust item, nakumpiska pa sa suspek ang pitong sachet ng pinagbabawal na gamot na tinatayang mayroong bigat na umaabot sa 400 grams.
Dagdag pa ni Bufete, hindi pa naman itinuturing bilang high value individual si alyas Allan pero asahan umano na nasa listahan ito ng mga street value individual at matagal ng minamanmanan ng mga awtoridad.
Hindi naman inaalis ng mga kapulisan ang posibilidad na mayroon pang pagdedeliveran ang nasabing suspek.
Samantala, nagpaabot naman ng pasasalamat ang opisyal sa lahat na naging bahagi ng matagumpay na operasyon lalo na sa komunidad.
Sa ngayon, magpapatuloy pa ang kampanya ng mga kapulisan laban sa iligal na droga.