-- Advertisements --
Arestado ng mga sakop ng otoridad ang isang lalaki matapos makunan ng P2.7 million pesos na halaga ng shabu sa isinagawang buybust operasyon sa Purok 7, Brgy. Tawala Panglao Bohol nitong Sabado ng gabi, Abril 3.
Kinilala ang naaresto na si Vincent Aparicio Vicente, 39 anyos at residente ng nabanggit na lugar.
Nakumpiska mula sa suspek ang 4 na pakete ng hinihinalang shabu na tumimbang sa humigit-kumulang 400 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng aabot sa P2,700,000 at ang buybust money.
Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.