Nakakulong na ngayon ang naarestong mixed martial arts (MMA) fighter matapos mahulihan ng nasa 1.8 kilogram na kush marijuana na may market value na P2.8 million sa isinagawang buy bust operation sa may bahagi ng Cubao, Quezon City nitong nakalipas na weekend.
Kinilala ni PNP chief Gen. Debold Sinas ang nahuling suspek na si Gary Espinar, residente ng Lajoya Subdivision, Barangay Dila, Sta Rosa, Laguna.
Naaresto si Espinar ng mga tauhan ng Northern Police District- Drug Enforcement Unit (DEU).
Ayon kay Sinas, ang pagkakaaresto sa MMA fighter ay follow-up operation sa naunang buy bust operation noong gabi kung saan nakuhanan ang mga suspeks ng 180 grams na kush marijuana at itinuro na si Espinar ang source ng kanilang iligal na droga.
Kaya agad nagsagawa ng buy bust operation ang otoridad.
Kasong paglabag sa illegal drugs ang kinakaharap ngayon ng MMA fighter.
“The use, sale and distribution of marijuana is highly illegal. I have instructed all units to be extra vigilant and to arrest those who think that they can flood the market with recreational drugss,” pahayag pa ni Gen. Sinas.