-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Umabot sa P2.8 milyon ang halaga ng mga nakumpiskang pirated DVD at storage devices ng mga otoridad sa isinagawang operasyon sa mga gusali at tindahan sa Barangay Bitano at Barangay Orosite ng lungsod ng Legazpi.

Inilunsad ang operasyon ng mga tauhan ng Optical Media Board (OMB) at Legazpi City Police kung saan isa-isang ini-inspeksyon ang lahat ng mga nagtitinda ng DVD at mga storage device kagaya ng flash drive, USB, at micro SD card.

Umabot sa 17 sako ng pirated na DVD ang nakumpiska sa nasabing operasyon na tinatayang nagkakahalaga ng P2,380,000 habang mayroon ding 650 piraso ng storage devices na nagkakahalaga naman ng P559,000.

Sa ngayon dinala na ng mga tauhan ng OMB ang mga nakumpiskang items upang sirain habang nakatakda naman na sampahan ng kaso ang mga may-ari ng gusali na nahulihan ng mga nasabing pirated DVD at storage devices.