Asahan na naman ang posibleng pisong dagdag sa presyo ng gasolina sa susunod na linggo.
Paliwanag sa Bombo Radyo ni Atty Rino Abad, director ng DOE-Oil Management Bureau, malaki umano ang epekto ng palitan ng piso kontra sa dolyar kung saan naitala ang paghina ng salapi ng Pilipinas.
Liban nito, sa nakalipas na ilang araw ay kakarampot lamang daw ang ibinaba ng gasolina sa international market, habang ang diesel ay tumaas na naman ng hanggang $9 kada bariles.
Sa kabila nito may good news naman kahit papaano.
Ayon kay Abad, meron naman pag-rollback sa presyo ng krudo at kerosina.
Sa kanilang pagtaya nasa higit P2 hanggang P3 kada litro ang pagbaba ng presyo.
Kaugnay nito, ipinayo ng opisyal na samantalahin ang promo discount ng ilang companies na kahit papaano ay may bawas presyo.
Muli rin naman nitong idinepensa na wala sa kamay ng gobyerno o DOE ang pagpigil sa presyo dahil nakabatay ito sa international market lalo na at nag-aangkat lamang ang Pilipinas.
“Sa nakalipas na ilang araw ang presyo lamang ng ibinababa ng gasolina sa Mean of Platts Singapore (pricing basis in Southeast Asia) ay $0.55 lamang. Hindi nga siya nakaabot ng $1 per barrel. Pero doon sa case ng diesel umabot po tayo ng $9. Ang kerosene ay umabot ng $10 per barrel. So, nang ma-i-compute natin ang paghina na naman ng ating forex o yong Philippine peso compared to US dollar tuloy-tuloy. Last week hanggangngayong week bumababa po tayo ng P0.53 compared tro US dollar. Yong maliit na baba ng gasolina na around $0.55 per barrel ay more than na-offset po siya ng paghina ng peso natin,” ani Atty. Abad sa Bombo Radyo.
Samantala, ang eksaktong dagdag-bawas sa presyuhan ng mga produktong langis ay malalaman pa sa Lunes ng hapon, na siya namang ipapatupad sa araw ng Martes ng umaga.