-- Advertisements --
Nangako ang Department of Trade and Industry (DTI) na magbigay ng P2 million na tulong pinansyal sa mga biktima ng typhoon Ulysses sa Marikina City.
Sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez, handa ang kanilang ahensiya na magbigay tulong sa pamamagitan ng Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa (PPG) at Pondo sa Pagbabago at Pag-asenso (P3) programs.
Aniya, naglaan ang DTI ng dalawang milyong pisong ayudad para sa kababayan na sinalanta ng bagyo at nawalan ng kabuhayan.
Hinikayat din nito ang mga biktima ng kalamidad na mag-loan sa ilalim ng SB Corporation’s COVID-19 Assistance to Restart Enterprises or CARES Program ng walang interes.
Ang nasabing programa ay magbibigay ng training at livelihood kits sa libo-libong distress MSMEs.