-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Inihahanda na ng pulisya sa bayan ng La Paz, Agusan del Sur ang kasong isasampa laban sa isang magsasakang itinurong may-ari ng P2-milyong halaga ng mga tanim na marijuana na nabunot ng mga otoridad nitong Biyernes ng umaga sa bahagi ng Barangay Kasapa II.

Ang lugar na tinaniman nito ay may layong 60 kilometro mula sa La Paz Municipal Police Station.

Patuloy pang pinaghahanap ng pulisya ang may-ari ng plantasyon na si Iming Tilocan habang ang mga nabunot na marijuana plants ay nasa Agusan del Sur- Provincial Crime Laboratory para sa eksaminasyon.